Miss mo sya? Miss ka kaya nya?

“Itetext mo ba o tatawagan nalang? Magrereply kaya? Baka hindi sumagot sa tawag. Magsend kaya ng smiley, ano kayang reply? ”

“Busy ako. Madami akong gagawin baka hindi sya sumagi sa isip ko maghapon.”

“Alas onse na hindi pa nagtetext o baka hinihintay nya na ako ang mauna magtext”.

“Itext ko na nga, baka sakaling magreply”

“Ano na kayang ginagawa nya ngayon?”

Karaniwang ganap dahil sa pagkamiss sa taong mahal at sobrang miss natin. Nalilito ang isip at puso natin kung ano ba ang kailangang gawin. Iba-iba ang sitwasyon ng bawat isa sa atin. Mayroon tayong ibat-ibang katayuan sa buhay ngunit pagdating sa pag-ibig, pare-pareho lang tayong nararamdaman at pinagdadaanan. 

Miss mo sya. Naiinis ka na dahil walang ibang paraan para magkita kayo. Kung meron man, bakit nararamdaman mo yan? 

Masakit ang maramdaman na sa kabila ng pagmamahal mo sa knya ay wala kang pagmamahal na nararamdaman galing sa kanya. Oo nga, ang pagmamahal ay walang hinihinging kapalit ngunit aminin natin na gusto natin na mahalin din tayo ng taong iyon.  Pero dahil mahal mo sya, tinatanggap nalang natin kung ano ang kaya nilang ibigay. Hindi natin pwedeng ipilit ang gusto natin. Makukuntento tayo sa kung anong nandyan. So kahit anong pagkamiss mo sa knya, hindi mo pwedeng sabihin “sige na oh, puntahan mo na ko. Miss na miss na kita”

Advertisements

A Love to Last (March 8,2017 Episode)

That kilig factor I feel everytime I see Andeng and Anton together. Grabe kinikilig talaga ako. Napapangiti ako at feeling ko ako si Andeng.

Eto talaga yung mahirap eh, yung pag amin ng nararamdaman mo para sa isang tao. In reality, totoong napakahirap. Hindi mo kasi alam kung gusto ka rin ng taong mahal mo. Hindi mo alam kung anong sasabihin o isasagot nya sayo. Yung feeling na magdadalawang isip ka pa kung sasabihin mo ba kung ano yung nararamdaman mo para sa kanya o maghihintay ka nalang na mauna syang magsabi na mahal ka rin nya. Pero diba ang tagal at nakakainip kung maghihintay ka nalang. Kaya eto, ikaw yung mag-iisip ng way para malaman nya kung anong nararamdaman mo para sa kanya.

So isu-surprise ni Sir Anton si Andeng at aamin na. Inaabangan ko talaga bawat eksena. Baka kasi dahil sa paghahanda nya eh hindi na sya makapag hintay ng tamang oras para umamin. Dun sa episode, akala ko magtatapat na si Sir Anton kay Andeng dun sa park bago magka sprain si Andeng. Ganon naman tayo diba? Minsan dumarating nalang sa buhay natin na akala natin perfect timing na. Yung tipong masasabi mo nalang sa sarili mo na, ‘andito na ko, samantalahin na ang pagkakataon at baka hindi na maulit’.

Naalala ko tuloy yung crush ko noon. Ayan na eh, kausap ko na sya. So ako naman nagaya na maglunch. Nilakasan ko na loob ko. Alam ko naman kasi na wala syang pagtingin sa akin. So casual lang. Pero habang inaaya ko sya at nagsasalita ako sa phone habang kausap ko sya, kinikilig ako. Habang hinihintay ko yung sagot nya, kabadong kabado ako. Aba! Hindi sya tumanggi. Ang sarap sa pakiramdam. Naglunch kami at yun ang pinaka masayang Saturday ko!

Welcome to WordPress.com!

Hello! First I would like to introduce myself. I would like to be called as “Cie” but they always call me Grace/ Gracie/ Mary. 

At first, I created my site because I was thinking that it would be a good way if I can write all my feelings, emotions on this page but I realized that, Oh no! that can’t be. It’s not a diary so yes, I did not create this to become a diary. Gets?

Syempre, andyan pa rin ang mga hugot sa life na hindi nman mawawala sa buhay natin. I guess, hindi pa man nauso yang mga hugot na yan eh sa sarili natin, alam natin na dati p man humuhugot na tayo. Sample naman ng hugot dyan oh!

This is my first time to use wordpress din. So pasensya na kung mage-experiment muna ko ng mga lay-out at designs. Sorry naman, pagbigyan na.

Oh diba, I am a working mom plus I have a child pa na super kailangan ng alaga ng mommy, tapos gagawa pa ng blog na ganito. hahaha. natatawa lang ako. Minsan kasi busy talaga yung tipong akala mo wala ka nang itutulog pa. Tapos iinit pa yung ulo mo sa sobrang stress. Nararamdaman nyo rin ba yun?

Kaya yan, tiwala lang! Trust the good Lord.

Siguro marami rin akong post about crazy little thing called LOVE. hugot pa rin? hindi naman. Yung iba siguro, Oo makakarelate. Pero walang bashers ha. Please respect each others opinion. 🙂