“Itetext mo ba o tatawagan nalang? Magrereply kaya? Baka hindi sumagot sa tawag. Magsend kaya ng smiley, ano kayang reply? ”

“Busy ako. Madami akong gagawin baka hindi sya sumagi sa isip ko maghapon.”

“Alas onse na hindi pa nagtetext o baka hinihintay nya na ako ang mauna magtext”.

“Itext ko na nga, baka sakaling magreply”

“Ano na kayang ginagawa nya ngayon?”

Karaniwang ganap dahil sa pagkamiss sa taong mahal at sobrang miss natin. Nalilito ang isip at puso natin kung ano ba ang kailangang gawin. Iba-iba ang sitwasyon ng bawat isa sa atin. Mayroon tayong ibat-ibang katayuan sa buhay ngunit pagdating sa pag-ibig, pare-pareho lang tayong nararamdaman at pinagdadaanan. 

Miss mo sya. Naiinis ka na dahil walang ibang paraan para magkita kayo. Kung meron man, bakit nararamdaman mo yan? 

Masakit ang maramdaman na sa kabila ng pagmamahal mo sa knya ay wala kang pagmamahal na nararamdaman galing sa kanya. Oo nga, ang pagmamahal ay walang hinihinging kapalit ngunit aminin natin na gusto natin na mahalin din tayo ng taong iyon.  Pero dahil mahal mo sya, tinatanggap nalang natin kung ano ang kaya nilang ibigay. Hindi natin pwedeng ipilit ang gusto natin. Makukuntento tayo sa kung anong nandyan. So kahit anong pagkamiss mo sa knya, hindi mo pwedeng sabihin “sige na oh, puntahan mo na ko. Miss na miss na kita”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s